Malansang Isda!
- megan gigantone
- May 20, 2023
- 4 min read
Updated: May 23, 2023
“History can repeat itself”. The past is an accurate reflection of who we are today. Yet as time goes on, the shine of the past falters just like the words used in the early times. Even perfectly good words can die out. But they don't have to stay dead. Therefore it is a great thing if we still keep in mind some of these words and use them in daily life.
Dahil magiging "Buwan ng Wika" na pagkatapos ng apat na buwan, unahan na natin ang iba na magkaruon ng country appreciation blog dahil advance tayo magisip. Sabi nga ni Jose Rizal, "Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at sa malansang isda!". Kaya ngayon mga ka-jibs, tingnan natin kung etong mga nakakasalubong ko ay marunong magmahal ng sariling wika. Este, kung may alam silang mga malalim na salitang tagalog, o kung hanggang conyo nalang talaga ang mga fersons !!
Sa blog natin ngayon, tatlo ang binigay na halimbawa ng ating mga na interview. Ito ay ang: awanggan, huwad, at gumon. Tig iisa lang na halimbawang pangungusap ang binigay ng mga tinanong natin, ngunit bigyan pa natin ng dalawa na halimbawa dahil special kayo.
Awanggan
- It is the absence of end or limit for it is the endless. It's other term is “infinity”.
ex.
1. Ang langit ay napuno ng awanggáng mga bituin.
2. Ang bilang ng butil ng mga bigas ay awanggán.
3. Ang pasensya niyang di maubos-ubos ay awanggán.
Huwad
- Ang salitang huwag ay nangangahulugang “peke” o “hindi tunay”.
ex.
1. Gumamit siya ng huwad na papel upang makaalis ng bansa.
2. Siya ay isang huwad sapagkat nagsasabi siya na mga impormasyong hindi naman totoo.
3. Isang huwad ang lumalaganap na balita ngayon.
Gumon
- Ito ay ang pagkahilig o pagkalulong sa isang bisyo o gawain o bagay.
ex.
1. May mga tao talagang nagugumon sa dalawang bisyo.
2. Si mike ay gumon sa kanyang trabaho.
3. Ang pagiging gumon na mga tao sa bisyo ang nagiging sanhi ng katiwalian sa bayan.
Ang mga pinakaunang halimbawa na inilista namin ay ang mga binigay na halimbawa ng ating mga ininterview. Madami na ba kayong natutunan na deep words ngayong araw? Oo o hindi man ang iyong sagot, maghanda kayo dahil may iba pa kaming hinanda na halimbawa! May pa extra, dahil napaka special ka !
Anluwage
- A skilled individual who carves, varnishes, and fixes wooden buildings and artifacts. They build wooden fixtures and fittings using natural resources (wood/timber).
ex.
1. Tumawag si jessabel ng anluwage para ayusin ang nasirang pintuan ng kanyang silid.
2. Pinukpok ng anluwage ang pako gamit ang bagong martilyo na kanyang nabili sa Ace hardware.
3. Mataas ang tawad na nakuha ko noong nagpagawa ako ng mesa sa isang anluwage sa probinsya.
Balani
-It is a material that produces a magnetic field that can affect materials around. It can either attract or repel another object. It Is a term synonym to “magnet”.
ex.
1. Maraming balani ang nakadikit sa aming repridyireytor.
2. Ang pilipinas ay parang balani na nang-aakit ng mga turista.
3. Pinulot ng anluwage ang maliliit na butil ng bakal gamit ang balani.
Damikay
- It is an algebraic expression that expresses a polynomial.
ex.
1. Ang guro ay sumulat ng damikay sa pisara.
2. Kailangan ko na mahanap ang deribatibo ng damikay na nakasaad sa pisara.
3. Ang mga damikay ay isa sa mga pangunahing aralin sa mathematika.
Danumsigwasan
- Ito'y nangangahulugan sa pagpapadaloy ng likido sa mga bagay o mas kilala sa tawag na “hydraulics” sa engles.
ex.
1. Naging malaking tulong ang danumsiwagan sa buhay ng bawat tao.
2. Ang ganda ng danumsiwagan ng sasakyan ni Manong kanor.
3. Naging madilim ang bahay nila maria noong nasira ang danumsiwagan ng kanilang bahay.
Piitan
- It is a place for confinement for persons held in lawful custody. In other words “jail”.
ex.
1. Gumawa ng peke na piitan sila Aya para sa kaganapan sa kanilang paaralan.
2. Kasali ang pagbisita sa piitan sa mga lugar na dadaanan namin para sa aming school tour.
3. Kapag hindi niya napatunayan na inosente sya, ipapadala raw si Jo sa piitan.
Samyo
- Samyo is an older Filipino word you don't often hear these days. The word more commonly used is amoy. Amoy and samyo both mean "smell" or "fragrance."
ex.
1. Pumitas ng bulaklak sa gilid si Ellia dahil nagustuhan nya ang samyo nito at nais raw gawin pabango.
2. Kinuha ko ang pabango na ginagamit ni nanay dahil mabango ang samyo at bagay sa susuotin ko.
3. Sabi ng pelikula parang bulaklak raw ang samyo ng sabon na ito ngunit pag gamit ko ay parang basang trapo.
Sapantaha
- Ito ay isang bagay na tinatanggap bilang totoo o tiyak na mangyayari, nang walang patunay.
ex.
1. Malakas ang ulan mula umaga hanggang gabi kaya sapantaha ko na walang pasok bukas.
2. Dumaan kami sa kaliwa dahil sabi ni Kara na yun daw ang tamang daan, yun pala sapantaha lamang iyon.
3. Nagpaulan ako kahapon kaya ayon sa sapantaha ni mama, magkakasakit raw ako.
At yan lamang para sa ating blog ngayon, hanggang sa muli, mga ka-jibs!
Comments